|
Pangatlong taon nang idinaraos ng Pandaigdigang Paaralan ng Pilipinas sa Riyadh o ng IPSR ang “Tagisan ng Talino sa Larangan ng Matematika” sa pamamagitan ng pag-obserba ng Linggo ng Kamalayang Pangmatematika o mg tinaguriang “Math Awareness Week”. Nakakaigaya ang aktibong pagtanggap ng lahat ng mag-aaral dito at balana’y nais lumahok. Ika- 27 hanggang 30 ng Agosto, 2008, petsa kung kailan ginanap ang Kamalayang Matematika. Ito ay sinimulan ng 9:00 ng umaga sa pangangasiwa ng mga tagapayo ng Samahan ng Matematika na sina G. Arnel Monellon, Bb. Ma. Sheila Francia, Gng. Flora Sese at Gng. Victoria Centeno, at sa tulong din ng mga opisyal at miyembro. Ang Kamalayang Pangmatematika ay agad na inumpisahan sa larong Math Puzzle ng mga mag-aaral mula sa Baitang 1 – 3.
Dito ay pinangkat ang mga bata sa walo na naglalaman ng humigit kumulang, labing-isang estudyante. Sa bawat grupo ay may estudyante mula sa Baitang 1, 2 at 3.Ang mga tagapayo ay magbibigay ng katanungan. Paramihan ito ng tamang sagot sa pamamagitan ng pagsulat sa “white board” ng bawat grupo. Ito ay sinundan naman ng larong Mathinik kung saan ang bawat grupo ay may pipiliing isangkinatawan para lumaban. Dito naman ay paunahan na makakuha ng pinakamaraming tamang sagot. Matapos ang pagpili ay sinimulan na ang paligsahan. Agad naman itong sinundan ng larong Math Wizard. Ito ay ang pabilisan ng pagpindot ng “buzzer” at pati na rin ang pag-isip ng tamang sagot. Ang paligsahan ay nagpatuloy sa huling larong Math Tira Matibay kung saan labing-anim ang makikilahok mula sa iba’t ibang grupo, gamit pa rin ang “white board” sa pagsagot. Pareho-pareho ang mga paligsahan na ginanap sa mga estudyante mula sa Mababang Paaralan hanggang sa Mataas na Paaralan. Ang kaibahan lamang ay sa mga estudyante sa Baitang 4-6 at sa Mataas na Paaralan ay ang mga pamantayan sa unang laro na tinatawag na Math Puzzle. Dito ay may limang pirasong papel na naglalaman ng iba’t ibang tanong na dapat masagot ng wasto at mabilis ng bawat grupo. Bago pa mag-umpisa ang Pagtatanghal ng mga nanalo, ang mga miyembro ng Samahang Matematika ay nagpakita ng isang natatanging numero. na sinundan naman ng Math Famous kung saan walong bata ang nagsuot ng kani-kanilang malikhaing kasuotan na nagpapakilala sa mga sikat na matematiko. At ang huling laro na tinawag nilang “ 1 vs. 30 Mathematicians” na hango sa larong 1vs. 100 na ating nasusubaybayan sa telebisyon. Ang natatanging kalahok ay si Blesilda Valencia.. Ang balana ay natuwa sa nasabing laro at hindi naiwasang mag-ingay sa pagsigaw ng kani-kanilang sagot ngunit nalungkot nang hindi nagwagi si Blesilda Valencia Ang pagtatanghal ng mga nagwagi ay agad na inumpisahan pagkatapos ng huling laro na. Sa mga nasabing paligsahan, naipamalas ng mga mag-aaral ang kani-kanilang galing at husay sa Matematika. Kanila ring naipakita ang halaga ng pagkakaisa, bilis ng pag-iisip at liksi ng katawan. Maayos at matagumpay na natapos ang mga patimpalak. Malugod na pagbubunyi at pagbati para sa mga Tagapayo at nangasiwa sa mga gawain at palatuntunan na sina: G. Arnel Monellon, Bb. Ma. Sheila Francia at Gng. Vicky Centeno at sa lahat ng guro sa Matematika at iba pang tumulong. |