HOMEADMISSIONACTIVITIESABOUT USCONTACT USGUESTBOOKCHAT
KNOWLEDGE BASE
Health Information
How Stuff Works
MULTIMEDIA
Assorted Videos
We have 10 guests online





Lost Password?
No account yet? Register
Admission for AY 2010 - 2011 is On-Going

Courses Offered

Complete Pre-Elementary Education
Nursery / Kindergarten / Preparatory
Complete Elementary Education
Primary (from grades I to IV)
Intermediate (from grades V to VI)
Complete Secondary Education
High School (from 1st  to 4th Year)

Post Secondary Course

The following courses will be accredited in the different universities in the Philippines. It offers:
* Computer Science
* Business management
* Liberal Arts

Age Requirements for Elementary

Nursery  ------ 3 years old
Kindergarten -- 4 years old
Preparatory --- 5 years old
Grade One ---- 6 years old on June 2, 2002

Tuition Fee

Our Tuition Fee is SR 4,000 with a Miscellaneous Fee of SR 500 a year. Graduated discount is given to the 2nd & 3rd siblings; whereas the 4th child enjoys 50% tuition fee discount and the 5th child is free from tuition fee. Payments may be made on quarterly or monthly basis.

For more inquiries please call us on the Tel. Nos. +966-1-4545608 & +966-1-2693612 or email us at   This e-mail address is being protected from spam bots, you need JavaScript enabled to view it

 
Panunumpa ng PTAC at PTG, Idinaos! PDF Print E-mail
Written by Allianah D. Benito, PTA Section Editor   

Attaché Rose Malicse Gumanap Bilang Panauhing Pandangal

Attache MalicseAng panunumpa ng bagong halal na pamunuan ng PTA Council (PTAC) o ang pangkalahatang asosasyon ng mga magulang at guro ay ginanap noong ika-29 ng Agosto, 2008 sa kwadranggel ng Pandaigdigang Paaralan ng Pilipinas sa Riyadh o IPSR. Gayundin, isinabay dito ang panunumpa rin sa tungkulin ng pamunuan ng PTG sa bawat baitang.

 Isa sa pinakatampok na bilang ay ang pananalita ng Panauhing Pandangal na si Attache Rosario G. Malicse, ang Cultural Officer ng Philippine Embassy. Ipinahayag niya at binigyang-diin ang mga gawain at obligasyon ng mga opisyal. Sinabi rin niya na umaasa siya na gagampanan ng mga bagong opisyal ang kanilang mga tungkulin, at dapat silang magtulungan para sa ikabubuti ng paaralan. Gayundin, binanggit din niya na magkakaroon ng mga pagbabago sa straktura ng paaralan dahilan sa implementasyon ng mga bagong patakaran ng Saudi Ministry of Education. Nararapat lang daw na tayo’y magtulungan upang mapanatili ang ating imahe bilang isa sa magagaling na paaralan dito sa Saudi Arabia. Matapos ang kaniyang pananalita ay pinarangalan siya ng “ Plaque of Recognition” nina MB Jaafar Angkaya, Chairman, IPSR Governing Board, Gng. Sinab M. Mabaning, Principal, G. Juan Macapinlac, PTA Council Pres., 2007-2008 at G Joey Marcial, PTA Council Pres.2008-2009. Nagtalumpati rin si Ginoong Amen Panolong bilang keynote speaker, membro ng Governing Board at Chairman ng Academic Committee. Isinalaysay niya ang kahalagaan at tagumpay ng PTA at ang kahangahangang naihahandog nito sa IPSR bilang nagkakaisang mga magulang, guro at mga mag-aaral.

Ang “Induction Ceremony” na may temang “Action with Vision will Make a Positive Difference”.ay nagsimula sa pamamagitan ng pambungad na panalangin na pinangunahan ni Mohammad Demonteverde, Bise Presidente ng PTAC. Sinundan ito ng pagkanta ng pambansang awit na pinangunahan ni Gng. Faridah Dibaratun. Samantala, ang pambungad na pananalita ay isinagawa ni G. Danilo Tenerife, Tagasuri ng PTAC habang ang ‘keynote speech” ay ibinigay ni G. Amen Panolong, MOE-FED Rep. IPSR Governing Board. Hinandugan naman ni Daniela Salgado ang mga manonood ng napakagandang awitin. Matapos ito, ay ipinakilala ni Gng Marie Avic Laus Micaya, Pres. PTG Pre-School Level, ang panauhing pandangal ng programa.

Muling nasiyahan ang lahat sa inihandog na awitin ni Christelle Aliasas. Sumunod naman ay ang pagpapakilala sa mga bagong halal na opisyal ng PTG, na itinalaga sa posisyon nina MB Antonio Doctolero, MOE-Fed Rep.IPSR Governing.Board para sa Pre-School at Elem. Level; MB Chairman Jaafar Angkaya para sa hayskul at ni Gng. Rosario Malicse, sa Pamunuan ng PTA-Council. Ang “Turn Over Speech’ ay inilahad ni G. Juan Macapinlac at tinanggap ito ni  G. Sergio Marcial, ang bagong Pangulo ng PTAC. Ang mga guro ng palantuntunan ay sina Gng. Zenaida Monellon, at G. Edwardo Teja.

Ang mga bagong nahalal na pinuno  ng PTA Council ay sina: G. Sergio Marcial-Pangulo; Moh’d Demonteverde– Pangalawang Pangulo; Gng Elita Mateo - Kalihim; Gng. Wadzna Tandugon– Ingat-Yaman;  G. Danilo Tenerife– Tagasuri; Gng. Mary Chiva-PRO; at Marlon Aliasas-Bisnis Manedyer.

 

<!--[if !supportEmptyParas]--> <!--[endif]-->

 
< Prev   Next >
top of page

By International Philippine School in Riyadh (IPSR), All rights reserved