|
Written by Marie Kate A. Ashley Luartes
|
|
The International Philippine School in Riyadh is one of the Filipino international schools which participated in the First Seminar Workshop for Teachers conducted by the SAGER Learning Institute, Inc. under the auspices of the Philippine Embassy in cooperation with ENJAZ Banking Services.. The seminar-workshop with the theme “Teaching for Success” was held from June 25-27, 2008 at the King Faisal School, Diplomatic Quarters, Riyadh. K.S.A. |
|
Read more...
|
|
|
Written by Hannah Fe B. Yambao, Associate News Editor
|
|
Pangatlong taon nang idinaraos ng Pandaigdigang Paaralan ng Pilipinas sa Riyadh o ng IPSR ang “Tagisan ng Talino sa Larangan ng Matematika” sa pamamagitan ng pag-obserba ng Linggo ng Kamalayang Pangmatematika o mg tinaguriang “Math Awareness Week”. Nakakaigaya ang aktibong pagtanggap ng lahat ng mag-aaral dito at balana’y nais lumahok. Ika- 27 hanggang 30 ng Agosto, 2008, petsa kung kailan ginanap ang Kamalayang Matematika. Ito ay sinimulan ng 9:00 ng umaga sa pangangasiwa ng mga tagapayo ng Samahan ng Matematika na sina G. Arnel Monellon, Bb. Ma. Sheila Francia, Gng. Flora Sese at Gng. Victoria Centeno, at sa tulong din ng mga opisyal at miyembro. Ang Kamalayang Pangmatematika ay agad na inumpisahan sa larong Math Puzzle ng mga mag-aaral mula sa Baitang 1 – 3. |
|
Read more...
|
|
|
Written by Allianah D. Benito, PTA Section Editor
|
|
Attaché Rose Malicse Gumanap Bilang Panauhing Pandangal Ang panunumpa ng bagong halal na pamunuan ng PTA Council (PTAC) o ang pangkalahatang asosasyon ng mga magulang at guro ay ginanap noong ika-29 ng Agosto, 2008 sa kwadranggel ng Pandaigdigang Paaralan ng Pilipinas sa Riyadh o IPSR. Gayundin, isinabay dito ang panunumpa rin sa tungkulin ng pamunuan ng PTG sa bawat baitang.
Isa sa pinakatampok na bilang ay ang pananalita ng Panauhing Pandangal na si Attache Rosario G. Malicse, ang Cultural Officer ng Philippine Embassy. Ipinahayag niya at binigyang-diin ang mga gawain at obligasyon ng mga opisyal. Sinabi rin niya na umaasa siya na gagampanan ng mga bagong opisyal ang kanilang mga tungkulin, at dapat silang magtulungan para sa ikabubuti ng paaralan. Gayundin, binanggit din niya na magkakaroon ng mga pagbabago sa straktura ng paaralan dahilan sa implementasyon ng mga bagong patakaran ng Saudi Ministry of Education. Nararapat lang daw na tayo’y magtulungan upang mapanatili ang ating imahe bilang isa sa magagaling na paaralan dito sa Saudi Arabia. Matapos ang kaniyang pananalita ay pinarangalan siya ng “ Plaque of Recognition” nina MB Jaafar Angkaya, Chairman, IPSR Governing Board, Gng. Sinab M. Mabaning, Principal, G. Juan Macapinlac, PTA Council Pres., 2007-2008 at G Joey Marcial, PTA Council Pres.2008-2009. Nagtalumpati rin si Ginoong Amen Panolong bilang keynote speaker, membro ng Governing Board at Chairman ng Academic Committee. Isinalaysay niya ang kahalagaan at tagumpay ng PTA at ang kahangahangang naihahandog nito sa IPSR bilang nagkakaisang mga magulang, guro at mga mag-aaral. |
|
Read more...
|
|
|
|
<< Start < Prev 1 2 3 Next > End >>
|
| Results 1 - 4 of 9 |